Juan 2

Dahil sa ginawa niya, tinanong siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, “Anong himala ang maipapakita mo sa amin bilang patunay na may karapatan kang gawin ito?”

John 2:18 (UKJV) Then answered the Jews and said unto him, What sign show you unto us, seeing that you do these things?

16Sinabi ni Hesus sa mga nagtitinda ng mga kalapati, “Alisin ninyo ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!”

17Naalala ng mga alagad niya ang sinabi sa Kasulatan, “Ikapapahamak ko ang pagmamalasakit ko sa inyong bahay.”

18Dahil sa ginawa niya, tinanong siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, “Anong himala ang maipapakita mo sa amin bilang patunay na may karapatan kang gawin ito?”

19Sinagot sila ni Hesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo kong muli.”

20Sinabi naman nila, “Ginawa ang Templong ito nang apatnapuʼt anim na taon at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.