21Muling sinabi ni Hesus sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan. Kung paanong sinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.”
22Pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi, “Tanggapin nʼyo ang Banal na Espiritu.
23Kung patatawarin nʼyo ang kasalanan ng isang tao, pinatawad na siya ng Diyos. At kung hindi nʼyo patatawarin ang kanyang kasalanan, hindi rin siya pinatawad ng Diyos.”
24Si Tomas (na tinatawag na Kambal), na isa rin sa labindalawang alagad ay hindi nila kasama noong nagpakita si Hesus.
25Kaya ibinalita nila sa kanya na nakita nila ang Panginoon. Ngunit sinabi niya sa kanila, “Hindi ako maniniwala hanggaʼt hindi ko nakikita ang mga sugat ng pagkakapako sa mga kamay niya at mahipo ang mga ito, pati na ang sugat sa kanyang tagiliran.”