Juan 20

Sinabi ni Hesus kay Tomas, “Tingnan mo ang mga kamay ko. Hipuin mo, pati na rin ang aking tagiliran. Huwag ka nang magduda; maniwala ka na.”

John 20:27 (UKJV) Then says he to Thomas, Reach here your finger, and behold my hands; and reach here your hand, and thrust it into my side: and be not faithless, but believing.

25Kaya ibinalita nila sa kanya na nakita nila ang Panginoon. Ngunit sinabi niya sa kanila, “Hindi ako maniniwala hanggaʼt hindi ko nakikita ang mga sugat ng pagkakapako sa mga kamay niya at mahipo ang mga ito, pati na ang sugat sa kanyang tagiliran.”

26Makalipas ang walong araw, nagtipon ulit ang mga alagad ni Hesus sa loob ng bahay. Kasama na nila si Tomas. Kahit nakakandado ang mga pinto, dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila, at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan.”

27Sinabi ni Hesus kay Tomas, “Tingnan mo ang mga kamay ko. Hipuin mo, pati na rin ang aking tagiliran. Huwag ka nang magduda; maniwala ka na.”

28Sinabi ni Tomas sa kanya, “Panginoon ko at Diyos ko!”

29Sinabi ni Hesus sa kanya, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.