Juan 21

Kaya sumampa sa bangka si Pedro at hinila papunta sa pampang ang lambat na puno ng malalaking isda na 153 lahat-lahat. Ngunit kahit ganoon karami ang isda, hindi nasira ang lambat.

John 21:11 (UKJV) Simon Peter went up, and drew the net to land full of great fishes, an hundred and fifty and three: and for all there were so many, yet was not the net broken.

9Pagdating nila sa dalampasigan, nakita nila roon ang nagbabagang uling na may nakasalang na isda, at ilang tinapay.

10Sinabi ni Hesus sa kanila, “Magdala kayo rito ng ilang isda na nahuli ninyo.”

11Kaya sumampa sa bangka si Pedro at hinila papunta sa pampang ang lambat na puno ng malalaking isda na 153 lahat-lahat. Ngunit kahit ganoon karami ang isda, hindi nasira ang lambat.

12Sinabi ni Hesus sa kanila, “Halikayoʼt mag-almusal.” Wala ni isa sa mga alagad ni Hesus ang nangahas magtanong kung sino siya dahil alam nila na siya ang Panginoon.

13Kumuha si Hesus ng tinapay at ibinigay sa kanila. Ganoon din ang ginawa niya sa isda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.