Juan 21

Sinabi kay Pedro ng alagad na malapit sa puso ni Hesus, “Ang Panginoon iyon!” Nang marinig ito ni Pedro, isinuot niya ang panlabas na kasuotan (dahil hinubad niya ito bago nanghuli ng isda), at tumalon sa tubig.

John 21:7 (UKJV) Therefore that disciple whom Jesus loved says unto Peter, It is the Lord. Now when Simon Peter heard that it was the Lord, he girt his fisher's coat unto him, (for he was naked,) and did cast himself into the sea.

5Tinawag sila ni Hesus, “Mga kaibigan, may huli ba kayo?” Sumagot sila, “Wala po.”

6Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ihulog nʼyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka at makakahuli kayo.” Iyon nga ang ginawa nila, at nang hilain nila iyoʼy hindi nila maitaas ang lambat sa dami ng nahuli nilang isda.

7Sinabi kay Pedro ng alagad na malapit sa puso ni Hesus, “Ang Panginoon iyon!” Nang marinig ito ni Pedro, isinuot niya ang panlabas na kasuotan (dahil hinubad niya ito bago nanghuli ng isda), at tumalon sa tubig.

8Ang ibang mga alagad na nasa bangka ay bumalik din sa dalampasigan na hila-hila ang lambat na puno ng isda, dahil mga 90 metro lang ang layo nila sa pampang.

9Pagdating nila sa dalampasigan, nakita nila roon ang nagbabagang uling na may nakasalang na isda, at ilang tinapay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.