Juan 3

Pumunta sila kay Juan at sinabi, “Rabbi, ang taong nakasama nʼyo sa kabila ng Ilog Jordan na inyong pinatotohanan ay nagbabautismo na rin, at halos lahat ng tao ay pumupunta sa kanya.”

John 3:26 (UKJV) And they came unto John, and said unto him, Rabbi, he that was with you beyond Jordan, to whom you bare witness, behold, the same baptizes, and all men come to him.

24(Nangyari ito bago nakulong si Juan.)

25Ngayon, nagkaroon ng pagtatalo ang ilang alagad ni Juan at ang isang Hudyo tungkol sa ritwal ng paghuhugas.

26Pumunta sila kay Juan at sinabi, “Rabbi, ang taong nakasama nʼyo sa kabila ng Ilog Jordan na inyong pinatotohanan ay nagbabautismo na rin, at halos lahat ng tao ay pumupunta sa kanya.”

27Sumagot si Juan, “Hindi matatanggap ng tao ang kahit ano, maliban kung itoʼy ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

28Kayo mismo ang makakapagpatunay na sinabi kong hindi ako ang Mesias, kundi sinugo lamang ako para mauna sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.