Juan 4

“Halikayo! Ipapakita ko sa inyo ang taong alam na alam ang lahat ng ginawa ko! Siya na nga kaya ang Mesias?”

John 4:29 (UKJV) Come, see a man, which told me all things that ever I did: is not this the Christ?

27Nang sandaling iyon, dumating ang mga alagad ni Hesus. Nagtaka sila nang madatnan nilang nakikipag-usap siya sa isang babae. Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nagtanong, “Ano ang kailangan nʼyo sa kanya?” o “Bakit kayo nakikipag-usap sa kanya?”

28Iniwan naman ng babae ang kanyang banga, bumalik sa bayan at sinabi sa mga tagaroon,

29“Halikayo! Ipapakita ko sa inyo ang taong alam na alam ang lahat ng ginawa ko! Siya na nga kaya ang Mesias?”

30Kaya lumabas ang mga tao at pumunta sa kinaroroonan ni Hesus.

31Samantala, pinapakiusapan ng mga alagad si Hesus at sinabi, “Rabbi, kumain na po kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.