Juan 4

Pagdating niya sa Galilea, malugod siyang tinanggap ng mga tao, dahil naroon sila sa Jerusalem noong Pista ng Paglampas ng Anghel at nakita nila ang lahat ng ginawa niya roon.

John 4:45 (UKJV) Then when he was come into Galilee, the Galilaeans received him, having seen all the things that he did at Jerusalem at the feast: for they also went unto the feast.

43Pagkatapos ng dalawang araw na pamamalagi roon ni Hesus, umalis siya at nagtungo sa Galilea.

44(Si Hesus mismo ang nagsabi na ang isang propeta ay hindi iginagalang sa sarili niyang bayan.)

45Pagdating niya sa Galilea, malugod siyang tinanggap ng mga tao, dahil naroon sila sa Jerusalem noong Pista ng Paglampas ng Anghel at nakita nila ang lahat ng ginawa niya roon.

46At dooʼy bumisita siyang muli sa Cana na sakop ng Galilea, sa bayan kung saan ginawa niyang alak ang tubig. Sa kalapit na bayang Capernaum ay may isang opisyal ng pamahalaan na mayroong anak na lalaking may sakit.

47Nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya si Hesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa Capernaum at pagalingin ang anak nitong nag-aagaw-buhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.