Juan 5

Umalis ang lalaki at pumunta sa mga pinuno ng mga Hudyo. Sinabi niya sa kanila na si Hesus ang nagpagaling sa kanya.

John 5:15 (UKJV) The man departed, and told the Jews that it was Jesus, which had made him whole.

13Ngunit hindi nakilala ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa kanya, dahil nawala na si Hesus sa dami ng tao.

14Hindi nagtagal, nakita ni Hesus sa Templo ang taong pinagaling niya, at sinabihan, “O, magaling ka na ngayon. Huwag ka nang magkasala pa, at baka mas masama pa ang mangyari sa iyo.”

15Umalis ang lalaki at pumunta sa mga pinuno ng mga Hudyo. Sinabi niya sa kanila na si Hesus ang nagpagaling sa kanya.

16Kaya mula noon, sinimulang usigin ng mga pinuno ng mga Hudyo si Hesus, dahil nagpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga.

17Ngunit sinabihan sila ni Hesus, “Ang aking Ama ay patuloy sa kanyang gawain, at ganoon din ako.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.