Juan 5

Kaya sinabi rin ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang Anak ay walang magagawa kung sa sarili lamang niya. Ginagawa niya ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Kaya kung ano ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak.

John 5:19 (UKJV) Then answered Jesus and said unto them, Verily, verily, I say unto you, The Son can do nothing of himself, but what he sees the Father do: for what things whatsoever he does, these also does the Son likewise.

17Ngunit sinabihan sila ni Hesus, “Ang aking Ama ay patuloy sa kanyang gawain, at ganoon din ako.”

18Dahil sa sinabing ito ni Hesus, lalo nilang sinikap na patayin siya. Sapagkat hindi lang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, kundi tinawag pa niyang Ama ang Diyos, at sa gayoʼy ipinapantay niya ang kanyang sarili sa Diyos.

19Kaya sinabi rin ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang Anak ay walang magagawa kung sa sarili lamang niya. Ginagawa niya ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Kaya kung ano ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak.

20Minamahal ng Ama ang kanyang Anak, kaya ipinapakita niya sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. Sa katunayan, higit pang mga dakilang gawa kaysa sa nakikita ninyo ngayon ang mga ipapakita niya sa Anak upang mamangha kayo.

21Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay ang mga ito, ganoon din naman, binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang gusto niyang bigyan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.