34Binanggit ko ang tungkol kay Juan, hindi dahil sa kailangan ko ang patotoo ng tao, kundi upang sa pamamagitan ng kanyang mga salita ay sumampalataya kayo at maligtas.
35Si Juan ay tulad ng isang ilaw na nagliliwanag, at lubos kayong nasiyahan sa liwanag niya sa inyo kahit panandalian lamang.
36“Tulad nga ng sinabi ko, may higit pa kay Juan na nagpapatotoo tungkol sa akin. Itoʼy walang iba kundi ang mga ipinapagawa sa akin ng Ama na ginagampanan ko. Ang mga gawaing ito ang nagpapatunay na ang Ama ang nagsugo sa akin.
37At ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanman ay hindi nʼyo narinig ang tinig niya o nakita ang anyo niya.
38At hindi nananatili sa inyo ang kanyang salita, sapagkat hindi kayo sumasampalataya sa akin na kanyang sinugo.