11Kinuha ni Hesus ang tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, ipinamahagi ito sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda, at nabusog ang lahat.
12Pagkakain nila, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Tipunin nʼyo ang lahat ng natira para walang masayang.”
13Tinipon nga nila ang natira mula sa limang tinapay na ipinakain sa mga tao at nakapuno sila ng labindalawang kaing.
14Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Hesus, sinabi nila, “Siguradong ito na nga ang propetang hinihintay nating darating dito sa mundo!”
15Alam ni Hesus na balak ng mga taong kunin siya at sapilitang gawing hari. Kaya umalis siya roon at nagpatuloy na umakyat sa bundok na iyon nang mag-isa.