17Ngunit nang madilim na at wala pa rin si Hesus, sumakay na sila sa isang bangka at tumawid papuntang Capernaum.
18Nagsimulang lumakas ang hangin at lumaki ang mga alon.
19Nang makasagwan na sila nang mga lima o anim na kilometro, nakita nila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa kanila, at natakot sila.
20Ngunit sinabi sa kanila ni Hesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot.”
21Malugod nilang pinasakay si Hesus sa bangka, at nakarating agad sila sa kanilang pupuntahan.