Juan 6

Ang sinumang kumain ng aking katawan at uminom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw.

John 6:54 (UKJV) Whoso eats my flesh, and drinks my blood, has eternal life; and I will raise him up at the last day.

52Dahil sa sinabi niyang ito, nagtalo-talo ang mga tao. Sinabi nila, “Paano maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang katawan para kainin?”

53Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang kainin ninyo ang katawan ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay.

54Ang sinumang kumain ng aking katawan at uminom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw.

55Sapagkat ang aking katawan ay tunay na pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin.

56Ang sinumang kumain ng aking katawan at uminom ng aking dugo ay mananatili sa akin, at ako naman sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.