Juan 7

Namangha sa kanya ang mga pinuno ng mga Hudyo. Sinabi nila, “Paano nalaman ng taong ito ang mga bagay na ʼyan, gayong hindi naman siya nakapag-aral?”

John 7:15 (UKJV) And the Jews marvelled, saying, How knows this man letters, having never learned?

13Ngunit walang nagsasalita tungkol sa kanya nang hayagan dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Hudyo.

14Noong kalagitnaan na ng pista, pumunta si Hesus sa Templo at nangaral.

15Namangha sa kanya ang mga pinuno ng mga Hudyo. Sinabi nila, “Paano nalaman ng taong ito ang mga bagay na ʼyan, gayong hindi naman siya nakapag-aral?”

16Sumagot si Hesus, “Hindi galing sa akin ang mga itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin.

17Malalaman ng sinumang gustong sumunod sa kalooban ng Diyos kung ang itinuturo koʼy galing nga sa Diyos o sa akin lang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.