Juan 7

Hindi baʼt ibinigay sa inyo ni Moises ang Kautusan? Ngunit wala ni isa man sa inyo ang sumusunod sa Kautusan. Sapagkat kung sinusunod ninyo ang Kautusan, bakit nʼyo ako gustong patayin?”

John 7:19 (UKJV) Did not Moses give you the law, and yet none of you keeps the law? Why go all of you about to kill me?

17Malalaman ng sinumang gustong sumunod sa kalooban ng Diyos kung ang itinuturo koʼy galing nga sa Diyos o sa akin lang.

18Ang nagtuturo nang mula sa sarili niyang karunungan ay naghahangad lang ng pansariling karangalan. Ngunit ang naghahangad na parangalan ang nagsugo sa kanya ay tapat at hindi sinungaling.

19Hindi baʼt ibinigay sa inyo ni Moises ang Kautusan? Ngunit wala ni isa man sa inyo ang sumusunod sa Kautusan. Sapagkat kung sinusunod ninyo ang Kautusan, bakit nʼyo ako gustong patayin?”

20Sumagot ang mga tao, “Sinasapian ka na siguro ng demonyo! Sino ba ang gustong pumatay sa iyo?”

21Sinabi ni Hesus sa kanila, “Namangha kayo dahil may pinagaling ako noong Araw ng Pamamahinga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.