26Ngunit tingnan ninyo, lantaran siyang nangangaral at walang sinasabi ang mga pinuno laban sa kanya. Baka naniniwala na silang siya ang Mesias?
27Ngunit alam natin kung saan siya nanggaling, habang ang Mesias na darating ay walang nakakaalam kung saan siya manggagaling.”
28Habang nagtuturo si Hesus sa Templo, sinabi niya nang malakas, “Totoo bang kilala ninyo ako at alam ninyo kung saan ako nanggaling? Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan. Ang tunay na Diyos ang nagsugo sa akin. Hindi ninyo siya kilala
29ngunit kilala ko siya dahil nanggaling ako sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.”
30Dahil sa mga sinabi niyang ito, gusto na sana siyang dakpin ng mga pinuno ng mga Hudyo, ngunit walang humuli sa kanya dahil hindi pa dumating ang oras niya.