45Bumalik ang mga guwardiya ng Templo sa mga namamahalang pari at mga Pariseo na nag-utos sa kanila na dakpin si Hesus. Tinanong sila ng mga ito, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?”
46Sumagot sila, “Ngayon lang po kami nakarinig ng katulad niyang magsalita.”
47“Pati ba naman kayo ay naloko na rin ng lalaking iyon?” kutya ng mga Pariseo.
48“May nakita na ba kayong kahit isa sa amin na mga pinuno o mga Pariseong sumasampalataya sa kanya?
49Wala! Mga tao lang na walang alam sa Kautusan ang sumasampalataya sa kanya. Sumpain sila ng Diyos!”