Juan 8

Kaya sinabi ni Hesus, “Kapag itinaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman ninyo na Ako ang sinasabi kong Ako. At malalaman din ninyo na ang lahat ng bagay na ginagawa at sinasabi ko ay ayon sa itinuro sa akin ng aking Ama.

John 8:28 (UKJV) Then said Jesus unto them, When all of you have lifted up the Son of man, then shall all of you know that I am he, and that I do nothing of myself; but as my Father has taught me, I speak these things.

26Marami akong masasabi at maihahatol laban sa inyo, ngunit hindi ko gagawin iyon. Sapagkat ang ipinapahayag ko lamang ay ang mga narinig ko mula sa nagsugo sa akin. At mapagkakatiwalaan ang mga sinasabi niya.”

27Hindi nila naintindihan na ang sinasabi ni Hesus ay tungkol sa kanyang Ama.

28Kaya sinabi ni Hesus, “Kapag itinaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman ninyo na Ako ang sinasabi kong Ako. At malalaman din ninyo na ang lahat ng bagay na ginagawa at sinasabi ko ay ayon sa itinuro sa akin ng aking Ama.

29Palagi kong kasama ang nagsugo sa akin, at hindi niya ako pinababayaang mag-isa, sapagkat palagi kong ginagawa ang mga bagay na kalugod-lugod sa kanya.”

30Nang marinig ng mga tao ang mga sinabi ni Hesus, marami sa kanila ang sumampalataya sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.