5Ayon sa Kautusan ni Moises, ang mga babaeng tulad niyaʼy dapat batuhin hanggang sa mamatay. Anoʼng masasabi mo?”
6Itinanong nila ito upang hanapan ng maipaparatang laban sa kanya. Ngunit yumuko lang si Hesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri.
7Ngunit paulit-ulit silang nagtanong, kaya tumayo si Hesus at sinabi sa kanila, “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan ay siya ang maunang bumato sa kanya.”
8At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa.
9Nang marinig nila iyon, isa-isa silang umalis mula sa pinakamatanda, hanggang si Hesus na lang at ang babae ang naiwan.