Juan 9

Tinanong si Hesus ng mga alagad niya, “Rabbi, sino po ba ang nagkasala at ipinanganak siyang bulag? Siya po ba o ang mga magulang niya?”

John 9:2 (UKJV) And his disciples asked him, saying, Master, who did sin, this man, or his parents, that he was born blind?

1Habang naglalakad si Hesus, may nakita siyang isang lalaki. Ang lalaking ito ay ipinanganak na bulag.

2Tinanong si Hesus ng mga alagad niya, “Rabbi, sino po ba ang nagkasala at ipinanganak siyang bulag? Siya po ba o ang mga magulang niya?”

3Sumagot si Hesus, “Hindi dahil sa kasalanan niya o ng mga magulang niya kaya ipinanganak siyang bulag. Nangyari ito upang maipakita ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapagaling sa kanya.

4Dapat na nating gawin ang mga ipinapagawa ng Diyos na siyang nagsugo sa akin habang araw pa, dahil pagsapit ng gabi ay wala nang makakapagtrabaho.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.