15Kaya binuhat nila si Jonas at inihagis sa nagngangalit na dagat, at kumalma nga ito.
16Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng malaking takot ang mga tao sa Panginoon. Kaya naghandog sila at nangakong ipagpapatuloy ang paglilingkod at paghahandog sa kanya.
17Samantala, nagpadala ang Panginoon ng isang malaking isda upang lunukin si Jonas. Tatlong araw at tatlong gabi siya sa loob ng tiyan nito.