7At ito ang ipinahayag niya sa buong Nineve: “Ayon sa utos ng hari at ng kanyang mga nakatataas na opisyal, “Walang sinumang kakain at iinom, kahit ang inyong mga baka, tupa o kambing.
8Magsuot ang mga tao ng damit na panluksa pati na ang mga hayop, at taimtim na manalangin sa Diyos. Talikuran ninyo ang masamang pamumuhay at karahasang ginagawa ninyo.
9Baka sakaling magbago ang isip ng Diyos at mawala ang kanyang galit sa atin at hindi na niya tayo lipulin.”
10Nakita ng Diyos ang kanilang ginawa, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masamang pamumuhay. Naawa siya sa kanila, at hindi na niya nilipol ang mga taga-Nineve gaya ng kanyang sinabi noon.