8Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi upang malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, magiging maunlad ang lahat ng iyong gagawin at magtatagumpay ka.
9Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta.”
10Kaya, inutusan ni Josue ang mga pinuno ng Israel,
11“Libutin ninyo ang kampo at sabihin sa mga tao na maghanda ng mga pagkain nila, dahil sa ikatlong araw mula ngayon ay tatawid tayo sa Ilog Jordan upang angkinin ang lupaing ibibigay sa atin ng Panginoon na ating Diyos.”
12At sinabi ni Josue sa mga lahi nina Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases,