Josue 1

Sinabi niyang mananatili rito sa silangang bahagi ng Ilog Jordan ang mga asawa, mga anak at mga hayop ninyo. Ngunit ang mga lalaki sa inyo na kayang makipaglaban at armado ay dapat maunang tumawid sa Ilog Jordan kaysa sa mga kapwa ninyo Israelita. Tutulungan ninyo sila

Joshua 1:14 (UKJV) Your wives, your little ones, and your cattle, shall remain in the land which Moses gave you on this side Jordan; but all of you shall pass before your brethren armed, all the mighty men of valour, and help them;

12At sinabi ni Josue sa mga lahi nina Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases,

13“Alalahanin ninyo ang sinabi sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon matapos niyang sabihin sa inyong, ‘Bibigyan kayo ng Panginoon na inyong Diyos ng kapahingahan sa pamamagitan ng pagbibigay niya sa inyo ng lupaing ito.’

14Sinabi niyang mananatili rito sa silangang bahagi ng Ilog Jordan ang mga asawa, mga anak at mga hayop ninyo. Ngunit ang mga lalaki sa inyo na kayang makipaglaban at armado ay dapat maunang tumawid sa Ilog Jordan kaysa sa mga kapwa ninyo Israelita. Tutulungan ninyo sila

15hanggang sa ibigay din ng Panginoon sa kanila ang kapahingahan, gaya ng ginawa niya para sa inyo, at hanggang sa mapasakanila na rin ang lupain na ibibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa kanila. Pagkatapos, maaari na kayong bumalik dito sa silangang bahagi ng Jordan, para angkinin ang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod niya.”

16Sumagot sila kay Josue, “Gagawin po namin ang lahat ng sinabi nʼyo, at pupunta kami kahit saan nʼyo kami ipadala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.