Josue 14

Isang araw, pumunta kay Josue sa Gilgal ang ilang mga tao mula sa lahi ni Juda. Ang isa sa kanila ay si Caleb na anak ni Jefune na Kenizeo. Sinabi niya kay Josue, “Naaalala mo pa ba ang sinabi ng Panginoon kay Moises na lingkod ng Diyos tungkol sa ating dalawa nang naroon tayo sa Kades-barnea?

Joshua 14:6 (UKJV) Then the children of Judah came unto Joshua in Gilgal: and Caleb the son of Jephunneh the Kenezite said unto him, You know the thing that the LORD said unto Moses the man of God concerning me and you in Kadeshbarnea.

4sapagkat ang lahi ni Jose ay hinati sa dalawa; ang lahi ni Manases at ang lahi ni Efraim. Hindi binigyan ng sariling lupain ang mga Levita. Binigyan lamang sila ng mga bayan na titirhan nila at mga bukirin para sa mga hayop nila.

5Ganito ang paghahati ng mga lupain sa mga Israelita ayon sa utos ng Panginoon kay Moises.

6Isang araw, pumunta kay Josue sa Gilgal ang ilang mga tao mula sa lahi ni Juda. Ang isa sa kanila ay si Caleb na anak ni Jefune na Kenizeo. Sinabi niya kay Josue, “Naaalala mo pa ba ang sinabi ng Panginoon kay Moises na lingkod ng Diyos tungkol sa ating dalawa nang naroon tayo sa Kades-barnea?

7Akoʼy apatnapung taóng gulang pa lang noon nang inutusan ako ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Kades-barnea para mag-espiya sa lupaing iyon, at ipinagtapat ko sa kanya ang lahat ng nalaman ko.

8Ngunit tinakot ng mga kasama ko ang mga kababayan natin. Ngunit ako, matapat kong sinunod ang Panginoon kong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.