16Sinabi ng mga lahi ni Jose, “Ang mga kabundukan ay maliit para sa amin. At hindi namin kaya ang mga Cananeo sa kapatagan dahil may mga karwahe silang bakal. At ganoon din ang mga Cananeo sa Bet-sean at sa mga bayan sa paligid nito at sa Lambak ng Jezreel.”
17Kaya sinabi ni Josue sa mga tribo ng Efraim at Manases, na mga lahi ni Jose, “Dahil napakarami nʼyo at makapangyarihan, hindi lang isa ang bahagi nʼyo,
18magiging inyo rin ang mga kagubatan ng kabundukan. Kahit magubat ito, linisin na lang ninyo, dahil magiging inyo ito mula sa unahan hanggang sa dulo. At tiyak na maitataboy nʼyo ang mga Cananeo kahit makapangyarihan pa sila at may mga karwaheng bakal.”