Josue 2

Sinabi ng dalawang espiya kay Rahab, “Mamatay nawa kami kung may mangyaring masama sa inyo! Kung hindi mo ipagsasabi ang pagmanman namin dito, kabutihan ang igaganti namin saʼyo kapag ibinigay na ng Panginoon ang lupaing ito sa amin.”

Joshua 2:14 (UKJV) And the men answered her, Our life for yours, if all of you utter not this our business. And it shall be, when the LORD has given us the land, that we will deal kindly and truly with you.

12“Kaya ngayon, ipangako nʼyo sa pangalan ng Panginoon na susuklian ninyo ng kabutihan ang pamilya ko dahil sa pagtulong ko sa inyo. Bigyan nʼyo ako ng patunay

13na hindi ninyo papatayin ang mga magulang ko, mga kapatid ko at ang buo nilang sambahayan. Ipangako ninyo na hindi ninyo kami papatayin.”

14Sinabi ng dalawang espiya kay Rahab, “Mamatay nawa kami kung may mangyaring masama sa inyo! Kung hindi mo ipagsasabi ang pagmanman namin dito, kabutihan ang igaganti namin saʼyo kapag ibinigay na ng Panginoon ang lupaing ito sa amin.”

15Si Rahab ay nakatira sa bahay na nasa pader ng lungsod, kaya tinulungan niya ang dalawang espiya na makababa sa bintana gamit ang lubid.

16Sinabi ni Rahab sa kanila, “Pumunta kayo sa kabundukan para hindi kayo makita ng mga humahabol sa inyo. Magtago kayo roon sa loob ng tatlong araw hanggang makabalik sila rito. Pagkatapos, maaari na kayong umuwi.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.