20Ngunit kung ipagsasabi mo ang mga ginagawa namin, hindi namin tutuparin ang ipinangako namin sa iyo.”
21Sumagot si Rahab, “Oo, payag ako.” Pagkatapos, pinaalis sila ni Rahab, at itinali niya agad ang pulang lubid sa bintana.
22Nang makaalis na ang dalawang espiya, pumunta sila sa kabundukan. Doon sila nagtago sa loob ng tatlong araw habang hinahanap sila ng mga tauhan ng hari sa mga daanan. Hindi sila nakita, kaya umuwi na lang ang mga tauhan ng hari.
23Bumaba ng kabundukan ang dalawang espiya, at tumawid sa ilog at bumalik kay Josue na anak ni Nun. Ikinuwento nila kay Josue ang lahat ng nangyari.
24Sinabi nila kay Josue, “Totoong ibinigay na ng Panginoon ang buong lupain sa atin. Ang mga tao roon ay takot na takot sa atin.”