1Samantala, isinarang mabuti ng mga nakatira roon ang pintuan ng Jerico dahil sa mga Israelita. Walang makapasok o kayaʼy makalabas na mga tao sa lungsod.
2Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Ipapasakop ko sa inyo ang Jerico maging ang hari at mga sundalo nito.
3Iikutan ninyo ng mga sundalo mo ang lungsod nang isang beses sa bawat araw, sa loob ng anim na araw.