Josue 8

Nang mapatay na nilang lahat ang taga-Ai na humabol sa kanila sa ilang, bumalik silang lahat sa lungsod at pinatay din ang lahat ng naiwan doon.

Joshua 8:24 (UKJV) And it came to pass, when Israel had made an end of slaying all the inhabitants of Ai in the field, in the wilderness wherein they chased them, and when they were all fallen on the edge of the sword, until they were consumed, that all the Israelites returned unto Ai, and stroke it with the edge of the sword.

22Lumusob din ang mga Israelitang pumasok sa lungsod, kaya napagitnaan nila ang mga taga-Ai. Pinatay nilang lahat ang mga ito at walang nakatakas o kayaʼy naiwang buháy sa kanila,

23bukod lang sa hari nila. Binihag siya at dinala kay Josue.

24Nang mapatay na nilang lahat ang taga-Ai na humabol sa kanila sa ilang, bumalik silang lahat sa lungsod at pinatay din ang lahat ng naiwan doon.

25Nang araw na iyon, namatay ang lahat ng naninirahan sa Ai; labindalawang libo lahat, lalaki at babae.

26Nanatiling nakatutok ang sibat ni Josue sa lugar ng Ai hanggang sa malipol ang lahat ng mamamayan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.