Josue 8

Binasa ni Josue ang kautusan, pati ang pagpapala at sumpa na nakasulat sa Aklat ng Kautusan.

Joshua 8:34 (UKJV) And afterward he read all the words of the law, the blessings and cursings, according to all that is written in the book of the law.

32Sa harap ng mga Israelita, kinopya ni Josue sa mga bato ang kautusang isinulat ni Moises.

33Ang lahat ng mga Israelita, kasama ang kanilang mga tagapamahala, mga opisyal at mga hukom nila, pati ang mga dayuhang kasama nila ay tumayo sa dalawang grupo na magkaharap. Ang isang grupo ay nakatalikod sa Bundok ng Gerizim at ang isaʼy nakatalikod sa Bundok ng Ebal. Sa gitna nila ay nakatayo ang mga paring Levita na nagdadala ng Kahon ng Kasunduan. Nag-utos sa kanila noon si Moises na lingkod ng Panginoon na gawin ito sa panahong tatanggapin na nila ang pagbabasbas.

34Binasa ni Josue ang kautusan, pati ang pagpapala at sumpa na nakasulat sa Aklat ng Kautusan.

35Isa-isang binasa ni Josue ang mga utos ni Moises sa harap ng buong mamamayan ng Israelita, kasama na ang mga babae, anak at mga dayuhang naninirahan kasama nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.