Josue 9

at sa dalawang hari na Amoreo sa silangan ng Jordan na sina Haring Sihon ng Hesbon, at Haring Og ng Bashan na nakatira sa Astarot.

Joshua 9:10 (UKJV) And all that he did to the two kings of the Amorites, that were beyond Jordan, to Sihon king of Heshbon, and to Og king of Bashan, which was at Ashtaroth.

8Nagmakaawa sila kay Josue, “Handa po kaming maging lingkod ninyo.” Nagtanong si Josue sa kanila, “Sino kayo at saan kayo nanggaling?”

9Sumagot sila, “Galing po kami sa napakalayong lugar. Pumunta kami rito dahil narinig namin ang tungkol sa Panginoon na inyong Diyos. Nabalitaan din namin ang lahat ng kanyang ginawa sa Ehipto,

10at sa dalawang hari na Amoreo sa silangan ng Jordan na sina Haring Sihon ng Hesbon, at Haring Og ng Bashan na nakatira sa Astarot.

11Kaya inutusan kami ng mga tagapamahala at mga kababayan namin na maghanda ng pagkain at pumunta rito, at makipagkita sa inyo para sabihin na handa kaming maglingkod sa inyo bastaʼt makipagkasundo lamang kayo sa amin.

12Tingnan nʼyo po ang tinapay namin, mainit pa ito pag-alis namin, pero ngayon matigas na at durug-durog pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.