Judas 1

Tulad sila ng mababagsik na alon sa dagat; parang bulang lumilitaw ang kanilang mga kahiya-hiyang gawa. At tulad ng mga ligaw na bituin, itinakda na sila ng Diyos sa dakong napakadilim, kung saan silaʼy mananatili magpakailanman.

Jude 1:13 (UKJV) Raging waves of the sea, foaming out their own shame; wandering stars, to whom is reserved the blackness of darkness for ever.

11Kahabag-habag sila! Sapagkat sinundan nila ang mga yapak ni Cain na pumatay sa kanyang kapatid. Wala silang pakundangan sa paggawa ng kamalian dahil sa salapi gaya ni Balaam. At silaʼy pupuksain dahil sa kanilang pagsuway sa Diyos tulad ni Kora na naghimagsik laban kay Moises.

12Ang mga taong itoʼy sumisira sa inyong pagsasalo-salo bilang magkakapatid sa Panginoon. Hindi sila nahihiyang kumain at uminom kasama ninyo dahil sarili lang nila ang kanilang iniintindi. Tulad sila ng mga ulap na walang dalang ulan na tinatangay ng hangin. Para din silang mga punong talagang patay na – wala na ngang bunga sa kapanahunan nito, binunot pa pati ugat.

13Tulad sila ng mababagsik na alon sa dagat; parang bulang lumilitaw ang kanilang mga kahiya-hiyang gawa. At tulad ng mga ligaw na bituin, itinakda na sila ng Diyos sa dakong napakadilim, kung saan silaʼy mananatili magpakailanman.

14Si Enoc, na kabilang sa ikapitong henerasyon mula kay Adan ay may propesiya tungkol sa kanila. Sinabi niya, “Makinig kayo! Darating ang Panginoon kasama ang kanyang libo-libong banal na mga anghel

15upang hatulan ang lahat ng tao. Paparusahan niya ang mga taong walang Diyos dahil sa masasama nilang gawa. Paparusahan din niya ang mga makasalanang ito dahil sa kanilang malulupit na salita laban sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.