Mga Hukom 11

Natalo niya ang mga Amonita, mula sa Aroer, sa paligid ng Minit, hanggang sa Abelqueramim; sa kabuuan, dalawampung bayan. Sa gayon, nagapi ng mga Israelita ang mga Amonita.

Judges 11:33 (UKJV) And he stroke them from Aroer, even till you come to Minnith, even twenty cities, and unto the plain of the vineyards, with a very great slaughter. Thus the children of Ammon were subdued before the children of Israel.

31iaalay ko po sa inyo bilang handog na sinusunog ang unang lalabas sa pintuan ng aking bahay para salubungin ako sa aking pagbabalik mula sa labanan.”

32Nakipaglaban si Jefta sa mga Amonita, at pinagtagumpay siya ng Panginoon.

33Natalo niya ang mga Amonita, mula sa Aroer, sa paligid ng Minit, hanggang sa Abelqueramim; sa kabuuan, dalawampung bayan. Sa gayon, nagapi ng mga Israelita ang mga Amonita.

34Nang umuwi si Jefta sa Mizpa, sinalubong siya ng anak niyang babae na sumasayaw habang tumutugtog ng tamburin. Siya ang nag-iisang anak ni Jefta.

35Nang makita siya ni Jefta, pinunit niya ang kanyang damit, at sinabi, “Anak ko, dinurog mo ang puso ko. Ang sakit naman nito! Sapagkat nangako ako sa Panginoon, at hindi ko na ito mababawi pa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.