Mga Hukom 14

Pagkalipas ng ilang araw, bumalik siya sa Timna upang pakasalan ang babae. Doon siya dumaan sa kinaroroonan ng pinatay niyang leon upang tingnan ang bangkay nito. At nakita niya ang maraming pulot at pukyutan sa bangkay ng leon.

Judges 14:8 (UKJV) And after a time he returned to take her, and he turned aside to see the carcass of the lion: and, behold, there was a swarm of bees and honey in the carcass of the lion.

6Agad na lumukob sa kanya ang Espiritu ng Panginoon at niluray niya ang leon gamit ang kanyang mga kamay na tulad lang ng pagluray sa batang kambing. Ngunit hindi niya ito sinabi sa mga magulang niya.

7Pinuntahan ni Samson ang babae at nakipagkuwentuhan, at nagustuhan talaga niya ang ito.

8Pagkalipas ng ilang araw, bumalik siya sa Timna upang pakasalan ang babae. Doon siya dumaan sa kinaroroonan ng pinatay niyang leon upang tingnan ang bangkay nito. At nakita niya ang maraming pulot at pukyutan sa bangkay ng leon.

9Isinandok niya ang kanyang kamay sa pulot at kumain habang naglalakad. Nang makita niya ang kanyang magulang, binigyan niya sila ng pulot, at kinain din nila ito. Ngunit hindi niya sinabi sa kanila na kinuha niya ito sa bangkay ng leon.

10Pumunta ang ama ni Samson sa bahay ng magiging manugang niya. At doon ay nagpapiging si Samson ayon sa kaugalian ng mga binata.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.