1Hindi nagtagal, sa panahon ng tag-ani ng trigo, dumalaw si Samson sa kanyang asawa na may dalang batang kambing. Sinabi ni Samson sa biyenan niyang lalaki, “Papasok po ako sa kuwarto ng asawa ko.” Ngunit hindi ito pumayag.
2Sinabi ng kanyang biyenan, “Ang buong akala koʼy kinasusuklaman mo na siya, kaya ibinigay ko siya sa kaibigan mo. Kung gusto mo, nariyan ang kapatid niyang mas maganda pa sa kanya. Siya na lang ang pakasalan mo.”
3Sinabi ni Samson, “Sa ginawa nʼyong ito, huwag nʼyo akong sisisihin kapag may ginawa ako sa inyong mga Filisteo.”