2Sinabi ng kanyang biyenan, “Ang buong akala koʼy kinasusuklaman mo na siya, kaya ibinigay ko siya sa kaibigan mo. Kung gusto mo, nariyan ang kapatid niyang mas maganda pa sa kanya. Siya na lang ang pakasalan mo.”
3Sinabi ni Samson, “Sa ginawa nʼyong ito, huwag nʼyo akong sisisihin kapag may ginawa ako sa inyong mga Filisteo.”
4Kaya umalis si Samson at nanghuli ng tatlong daang asong-gubat. Pinagbuhol-buhol niya ang buntot ng mga ito nang tig-dadalawa at nilagyan ng sulo.
5Sinindihan niya ang mga sulo at pinakawalan ang mga asong-gubat sa mga trigo ng mga Filisteo. Nasunog ang lahat ng trigo, hindi lang ang nakatali kundi pati na rin ang aanihin pa lang. Nasunog din ang mga ubasan at mga taniman ng olibo.
6Nagtanong ang mga Filisteo kung sino ang gumawa noon, at nalaman nilang si Samson. Nalaman din nilang ginawa iyon ni Samson dahil ipinakasal ng biyenan niyang taga-Timna ang asawa niya sa isa niyang kaibigan. Kaya hinanap ng mga Filisteo ang babae at ang kanyang ama at sinunog nila.