Mga Hukom 16

May ilang mga Filisteo na nakatago noon sa kabilang kuwarto. Pagkatapos, sumigaw si Delaila, “Samson, nandito na ang mga Filisteo!” Ngunit nilagot ni Samson ang tali na parang lubid na nadarang sa apoy. Kaya hindi pa rin nila nalaman ang sekreto ng kanyang lakas.

Judges 16:9 (UKJV) Now there were men lying in wait, abiding with her in the chamber. And she said unto him, The Philistines be upon you, Samson. And he brake the withes, as a thread of tow is broken when it touches the fire. So his strength was not known.

7Sumagot si Samson, “Kung gagapusin ako ng pitong sariwang bagting ng pana, magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.”

8Nang malaman ito ng mga pinuno ng Filisteo, binigyan nila si Delaila ng pitong sariwang bagting ng pana at iginapos niya si Samson.

9May ilang mga Filisteo na nakatago noon sa kabilang kuwarto. Pagkatapos, sumigaw si Delaila, “Samson, nandito na ang mga Filisteo!” Ngunit nilagot ni Samson ang tali na parang lubid na nadarang sa apoy. Kaya hindi pa rin nila nalaman ang sekreto ng kanyang lakas.

10Sinabi ni Delaila kay Samson, “Niloko mo lang ako; nagsinungaling ka sa akin. Sige na, ipagtapat mo sa akin kung paano ka maigagapos.”

11Sinabi ni Samson, “Kapag naigapos ako ng bagong lubid na hindi pa nagagamit, magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.