Mga Hukom 18

Nagustuhan ng pari ang inaalok sa kanya, kaya kinuha niya ang efod, ang mga imahen, at ang iba pang mga diyos-diyosan, at sumáma sa kanila.

Judges 18:20 (UKJV) And the priest's heart was glad, and he took the ephod, and the teraphim, and the graven image, and went in the midst of the people.

18Nang makita ng pari na pinasok nila ang bahay ni Micas at kinuha ang lahat ng nasa sambahan, tinanong niya, “Anong ginagawa nʼyo?”

19Sumagot sila, “Tumahimik ka! Huwag kang maingay. Sumama ka sa amin dahil gagawin ka naming tagapayo at pari. Hindi baʼt mas mabuting maging pari ka ng isang lahi kaysa ng isang pamilya lang?”

20Nagustuhan ng pari ang inaalok sa kanya, kaya kinuha niya ang efod, ang mga imahen, at ang iba pang mga diyos-diyosan, at sumáma sa kanila.

21Ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay, at nauna sa kanila ang kanilang mga anak, mga hayop at mga ari-arian.

22Nang malayu-layo na sila sa bahay ni Micas, nagtipon ang mga kapitbahay ni Micas at hinabol nila ang lahi ni Dan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.