Mga Hukom 19

Kaya sumáma sila sa matanda. Pagdating nila, pinakain ng matanda ang mga asno nila. Pagkatapos nilang maghugas ng paa, kumain sila at uminom.

Judges 19:21 (UKJV) So he brought him into his house, and gave animal food unto the asses: and they washed their feet, and did eat and drink.

19May pagkain at inumin kami ng asawa ko at ng aking utusan. Mayroon kaming dayami at pagkain para sa mga asno namin. Kaya wala na kaming kailangan pa.”

20Sinabi ng matanda, “Huwag kayong matulog dito sa plasa; doon na lang kayo sa aking bahay. Handa akong magbigay ng kahit anong kakailanganin ninyo.”

21Kaya sumáma sila sa matanda. Pagdating nila, pinakain ng matanda ang mga asno nila. Pagkatapos nilang maghugas ng paa, kumain sila at uminom.

22Habang nagkakasayahan sila, dumating ang ilang mga kalalakihan ng lungsod na mahilig sa kalaswaan at pinaligiran ang bahay. Habang kinakalampag nila ang pintuan, sinisigawan nila ang matandang may-ari ng bahay, “Palabasin mo ang bisita mong lalaki para makipagtalik kami sa kanya.”

23Sumagot ang may-ari ng bahay, “Huwag, mga kapatid ko. Huwag nʼyo siyang gawan ng masama. Dahil bisita ko siya, huwag nʼyong gawin sa kanya ng kahiya-hiyang bagay na ʼyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.