Mga Hukom 19

Sinabi ng Levita, “Bangon na dahil uuwi na tayo.” Ngunit patay na pala ang babae, kaya isinakay niya ang bangkay sa kanyang asno at umalis.

Judges 19:28 (UKJV) And he said unto her, Up, and let us be going. But none answered. Then the man took her up upon an ass, and the man rose up, and got him unto his place.

26Bumalik ang babae sa bahay na tinutuluyan ng kanyang asawa. Natumba siya sa pintuan at doon na siya sinikatan ng araw.

27Nang umagang iyon, bumangon ang kanyang asawa. Binuksan nito ang pintuan upang umalis na, at nakita niya ang asawa niyang nakahandusay at ang kamay nito ay nakaunat pa sa pintuan.

28Sinabi ng Levita, “Bangon na dahil uuwi na tayo.” Ngunit patay na pala ang babae, kaya isinakay niya ang bangkay sa kanyang asno at umalis.

29Pagdating niya sa kanila, pinagputol-putol niya sa labindalawang bahagi ang bangkay ng kanyang asawa at ipinadala sa labindalawang lahi ng Israel.

30Sinabi ng lahat ng nakakita nito, “Wala pang nangyari na katulad nito mula nang umalis ang mga Israelita sa Ehipto. Ano kaya ang mabuti nating gawin?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.