6Nang pinauwi na ni Josue ang mga Israelita, umalis ang bawat lahi upang angkinin ang lupaing nakalaan para sa kanila.
7At naglingkod sila sa Panginoon habang nabubuhay si Josue. At kahit namatay na siya, patuloy pa rin silang naglingkod sa Panginoon habang nabubuhay ang mga tagapamahala ng Israel na nakakita ng lahat ng kahanga-hangang ginawa ng Panginoon para sa Israel.
8Ang lingkod ng Panginoon na si Josue na anak ni Nun ay namatay sa edad na 110.
9Inilibing siya sa kanyang minanang lupain doon sa Timnat-heres, sa kaburulan ng Efraim, sa hilaga ng Bundok ng Gaas.
10Nang mamatay na ang mga tao sa henerasyong iyon, ang sumunod na salinlahi ay nakalimot sa Panginoon, maging sa mga ginawa niya para sa Israel.