9Ito ang gagawin natin. Magpalabunutan tayo kung sino sa atin ang lulusob sa Gibea.
10Ang ikasampung bahagi ng lahat ng lalaki sa bawat lahi ang mag-aasikaso sa pagkain ng mga sundalo. Ang natitira ang maghihiganti sa mga taga-Gibea dahil sa kahiya-hiyang bagay na ginawa nila sa kalagitnaan natin.”
11Kaya nagkaisa ang mga lalaki ng Israel sa paglusob sa Gibea.
12Nagsugo ang Israel ng mga mensahero sa mga lahi ni Benjamin at sinabi, “Ano itong kasamaang nangyari sa inyo?
13Ngayon, isuko nʼyo sa amin ang masasamang taga-Gibea na gumawa nito, at papatayin namin sila, at nang mawala ang kasamaang ito sa Israel.” Ngunit hindi pinansin ng mga Benjaminita ang mga kapwa nila Israelita.