Mga Hukom 21

Pagkatapos, naalala nila na malapit na pala ang taunang pista para sa Panginoon na ginaganap sa Silo. (Ang Silo ay nasa hilaga ng Betel, sa timog ng Lebona, at sa silangan ng daang mula sa Betel papunta sa Shekem.)

Judges 21:19 (UKJV) Then they said, Behold, there is a feast of the LORD in Shiloh yearly in a place which is on the north side of Bethel, on the east side of the highway that goes up from Bethel to Shechem, and on the south of Lebonah.

17Kailangang magpatuloy ang lahi nila upang hindi mawala ang lahi ng Israel.

18Ngunit hindi natin mapapayagang mapangasawa nila ang mga anak nating babae dahil nakapangako na tayo na ang gagawa nito ay susumpain.”

19Pagkatapos, naalala nila na malapit na pala ang taunang pista para sa Panginoon na ginaganap sa Silo. (Ang Silo ay nasa hilaga ng Betel, sa timog ng Lebona, at sa silangan ng daang mula sa Betel papunta sa Shekem.)

20Sinabi nila sa mga lahi ni Benjamin, “Magtago kayo sa mga ubasan,

21at bantayan nʼyo ang mga dalagang taga-Silo. Kapag dumaan sila roon upang sumayaw sa pista, lumabas kayo sa ubasan at kumuha ng mapapangasawa ninyo at dalhin sa inyong lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.