12Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon. Dahil dito, ipinasakop sila ng Panginoon kay Haring Eglon ng Moab.
13Sa tulong ng mga Amonita at Amalekita, nilusob at tinalo ni Eglon ang Israel, at sinakop ang lungsod ng Jerico.
14Sinakop sila ni Eglon sa loob ng labingwalong taon.
15Muling humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon at binigyan silang muli ng isang taong magliligtas sa kanila. Siya ay si Ehud, na isang kaliwete, na anak ni Gera na mula sa lahi ni Benjamin. Ipinadala siya ng mga Israelita kay Haring Eglon ng Moab upang ibigay dito ang buwis ng Israel.
16Bago siya umalis, gumawa siya ng isang espada na magkabila ang talim na may kalahating metro ang haba. Itinali niya ito sa kanyang kanang hita sa ilalim ng kanyang damit.