Mga Hukom 7

Maghahatinggabi na nang dumating si Gideon at ang isang daan niyang kasama sa hangganan ng kampo ng kalaban, kapapalit lang ng guwardiya noon. Pinatunog nina Gideon ang mga trumpeta nila at pinagbabasag ang kanilang mga banga.

Judges 7:19 (UKJV) So Gideon, and the hundred men that were with him, came unto the outside of the camp in the beginning of the middle watch; and they had but newly set the watch: and they blew the trumpets, and brake the pitchers that were in their hands.

17At sinabi niya sa kanila, “Tingnan nʼyo ako at gayahin nʼyo ang gagawin ko. Kapag malapit na ako sa kampo, kung anong gagawin ko, gawin din ninyo.

18Kapag pinatunog ko at ng mga kasama ko ang mga trumpeta namin, ganoon din ang gawin nʼyo sa palibot ng kampo, at isigaw nʼyo nang malakas, ‘Para sa Panginoon at kay Gideon!’ ”

19Maghahatinggabi na nang dumating si Gideon at ang isang daan niyang kasama sa hangganan ng kampo ng kalaban, kapapalit lang ng guwardiya noon. Pinatunog nina Gideon ang mga trumpeta nila at pinagbabasag ang kanilang mga banga.

20Ganoon din ang ginawa ng ibang grupo. At habang hawak nila ang ilaw sa kaliwang kamay at ang trumpeta sa kanang kamay, sumisigaw sila, “Lumaban tayo gamit ang ating espada para sa Panginoon at kay Gideon.”

21Ang bawat isa ay pumuwesto sa kanya-kanyang lugar sa palibot ng kampo, ngunit ang mga kalaban nila ay nagsisisigaw na nagsitakas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.