Mga Panaghoy 5

O Panginoon, maghahari kayo magpakailanman. Ang inyong paghahari ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi.

Lamentations 5:19 (UKJV) You, O LORD, remain for ever; your throne from generation to generation.

17Dahil dito, nasasaktan ang aming damdamin at nagdidilim ang aming paningin.

18Dahil napakalungkot na ng Jerusalem at mga asong-gubat na lamang ang gumagala rito.

19O Panginoon, maghahari kayo magpakailanman. Ang inyong paghahari ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi.

20Bakit palagi nʼyo kaming kinakalimutan? Bakit kay tagal nʼyo kaming pinabayaan?

21Ibalik nʼyo kami sa inyo, Panginoon, at kami ay magbabalik katulad noong una. Ibalik nʼyo kami sa dati naming kalagayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.