5Pinagtatrabaho kaming parang mga hayop at hindi man lang pinagpapahinga.
6Nagpasakop kami sa mga taga-Ehipto at Asiria para magkaroon ng pagkain.
7Ang aming mga ninunoʼy nagkasala, ngunit silaʼy pumanaw na at kami ang nagdurusa ng parusang dapat ay para sa kanila.
8Napailalim kami sa mga alipin at walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay.
9Sa paghahanap namin ng pagkain, nanganib ang aming mga buhay sapagkat laganap ang karahasan sa mga ilang.