1Tinawag ng Panginoon si Moises at kinausap siya mula sa Toldang Tipanan. Sinabi niya,
2“Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang sinumang mag-aalay ng isang hayop sa Panginoon ay maaaring kumuha mula sa kawan ng kanyang baka, tupa, o kambing.
3“ ‘Kung ang iaalay niya ay isang handog na sinusunog mula sa kawan ng mga baka, kinakailangang ito ay lalaki at walang kapintasan. Dadalhin niya ito malapit sa pintuan ng Toldang Tipanan, upang itoʼy maging katanggap-tanggap sa Panginoon.